November 24, 2024

MGA OFFERED NA SOAPS KAY MAVY LEGASPI, TURNED DOWN DAHIL ‘DI PA RAW BAGAY

HINAHAYAN muna ni Zoren Legaspi, na ma-enjoy ni Mavy Legaspi ang showbiz. Dahil sa murang idad ni Mavy, ay hindi pa dapat itong bigyan nang mabibigat na project. Tama na muna sa kanya iyong sing and dance at pa-cute sa harap ng camera, mahirap iyong minamadali.

“Maraming offered na soaps kay Mavy, pero ayon kay Zoren father ni Mavy ay kanila itong turned down. Kasi hindi pa bagay kay Mavy, magmumukhang pilit ang dating niya. Kaya naman niyang umarte, pero iba pa rin iyong tama sa kanyang idad iyong mga role na gagampanan niya.

“Hindi naman sa namimili kami, iba kasi kung ka-level niya iyong role sa soap na gagawin niya. Pangit kasi ang dating kapag pilit at hindi bagay iyong gagampanan niya. Hayaan na muna natin na ma-enjoy niya iyang mga ginagawa niya ngayon sa shiwbiz, at pag-matured na siya pwede nang sumabak sa mga soap na gusto niya.” Salaysay pa ng aking kausap.