
Itinakda na ang pinakahihintay na comeback ni Connor McGregor sa UFC, laban kay Michael Chandler sa Las Vegas.
Ayon kay CEO Dana White sa UFC 300, nakatakdang maglaban ang dalawang manlalaro sa June 29, na nakatakdang i-headline ang UFC 303.
Maaalalang huling lumaban ang 35-anyos na si McGregor noong Hulyo 2021, matapos mabali ang kanyang kaliwang tibia at fibula sa isang laban kay Dustin Poirier sa UFC 264 sa Las Vegas.
Samantala, huli namang naglaro si Chandler noong Nobyembre 2022, at ikinatalo rin ang laban kay Poirier. RON TOLENTINO
More Stories
Toby Tiangco, tinawag na ‘big loser’ ni Barry Gutierrez sa palpak na kampanya ng Alyansa
Marcos hinihikayat ang bayan na magkaisa at ituon ang pansin sa pag-unlad pagkatapos ng midterm elections
Walang ‘bloodbath’ sa impeachment trial ni VP Sara Duterte — Leila De Lima