April 29, 2024

NAIA PORTER ISINAULI NAPULOT NA $10,000

Pararangalan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang isang porter at isang security guard dahil sa katapatan.

Isinoli ng porter na si Victor Perez ang napulot na $10,000, na may katumbas na P570,000 sa NAIA Terminal 1.


Ayon kay Perez iniipon niya ang pushcarts nang makita ang isang bungkos ng $100 sa sahig at agad niya itong pinulot.

Isang Korean national ang may-ari ng pera at aniya nalaglag ito mula sa kanyang bulsa.


Napatunayan naman ng security camera footages na siya ang talagang nakalaglag ng pera.

Samantala, isang bag naman na naglalaman ng laptop, smartphone, gold necklace, ang isinoli ng isang guwardiya na nakatalaga sa NAIA Terminal 3.