Swak sa selda ang tatlong suspek, kabilang ang isang High-Value Individual (HVI), matapos makuhaan ng kabuuang 130 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P884,000, kasama ang isang baril, sa magkasunod na operasyon ng pulisya noong Hulyo 30 at 31, 2026 sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal.
Unang nadakip sa Mayon Avenue sina alyas Phillip at alyas Ronron noong Hulyo 30, humigit-kumulang 8:35 ng gabi, ng Municipal Drug Enforcement Team (MDET) ng Rodriguez MPS katuwang ang PDEA.
Nakuha mula sa dalawa ang anim na sachet ng shabu na may timbang na 60 gramo na nagkakahalaga ng P408,000, buy-bust money, isang .38 caliber revolver na may tatlong bala, cellphone, at sling bag.
Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous
Kasunod nito, nadakip naman ang HVI na si alyas Dagul noong Hulyo 31, dakong 1:10 ng madaling araw sa E. Manuel Street matapos magbenta ng shabu sa isang police poseur-buyer.
Nasamsam kay Dagul ang walong sachet ng shabu na may bigat na 70 gramo na nagkakahalaga ng P476,000, buy-bust money, at ang ginamit nitong Honda Click na motorsiklo.
Kasong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang kinakaharap ni Dagul.
