Mariing itinanggi ni ACT CIS partylist Congressman Erwin Tulfo ang mga alegasyon hinggil sa paggamit ng pondo ng kanyang proyektong AKAP sa pagsusulong ng Charter change.
Sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Tulfo na naisip niya ang programang ayuda para sa kapos ang kita program o AKAP noong pang nasa DSWD siya at noon aniyang panahon na yon ay wala pang usapin ng charter change o people’s initiative.
Sinabi rin ni Tulfo na nakausap na rin niya ang liderato ng Kamara hinggil sa naturang isyu at pinabulaanan na aniya ito sa kanya ng mga mambabatas.
Pinaliwanag ni Tulfo na layon ng programa na bigyan ng ayuda ang mga nasa working class dahil laging poorest of the poor lang ang natutulungan ng pamahalaan.
Umaasa si Tulfo na hindi magagamit sa pulitika ang ang Akap dahil maganda ang layunin nito para sa bayan. Una nang kumalat ang isyu na gagamitin lang ang pondo ng AKAP para pondohan naman ang charter change.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA