May 5, 2024

Menor de edad, 3 pa sugatan sa bumaliktad na jeep sa Commonwealth Avenue

SUGATAN ang isang menor de edad at tatlong iba pa matapos bumaliktad ang isang pampasaherong jeep at tinamaan ang isang pang jeep sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City ngayong araw.

Rumesponde ang mga miyembro ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) at Manila Development Authority (MMDA) para tulungan ang mga sugatang pasahero.

Ayon sa saksi, nawalang ng presyo ang isa sa jeep habang bumbiyahe sa kabahaan ng Commonwealth Avenue, dahilan para ito’y bumaliktad patagilid at tamaan ang isang jeep.

Agad isinugod ang mga sugatang biktima sa hospital para gamutin.

Hindi naman binanggit ng mga awtoridad ang mga pangalan ng driver na sangkot sa insidente habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.