Inilahad ni PIRMA lead convenor Noel Oñate na nakipag-ugnayan sila sa mga kongresista upang makuha ang lagda na kailangan para sa people’s initiative sa pagbabago ng Saligang Batas.
Sa Kapihan sa Manila Bay, pinaliwanag ni Oñate na kailangan ang koordinasyon sa mga distrito sa buong bansa dahil ito ang nakasaad na rekisito sa Saligang Batas.
Sinabi ni Oñate na pangunahing information o basic information lamang sa mga distrito ng mga mambabatas ang kanilang hininging tulong at magsilbing gabay kung hanggang saan at ilan ang kanilang kailangan palagdain.
Una rito ay sumingaw ang balita na mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ang sinasabing nasa likod ng people’s initiative, na mariing itinanggin ng grupong PIRMA.
Pinanindigan ni Oñate na sarili nilang inisyatiba ang people’s initiative at walang mambabatas na nasa likod nila.
More Stories
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS
Hiwalay na nga ba? PAOLO CONTIS, NO COMMENT ANG SAGOT SA PAG-UNFOLLOW SA KANYA NI YEN SANTOS