May 4, 2024

2025 NATIONAL AND LOCAL ELECTIONS, HINDI MAAPEKTUHAN – COMELEC

TINIYAK ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na hindi maaapektuhan ng anumang plebisito ang 2025 elections.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinagot ni Garcia ang ilang posibilidad hinggil sa plebisito na may kaugnayan sa people’s initiative.

Ipinaliwanag ni Garcia na maaga pa o pre-mature pa sa ngayon na pag-usapan ang isyu dahil wala pang inihahaing petisyon ang grupong PIRMA na nasa likod ng people’s initiative.

Sabi ng poll chief, ang hakbang ng Comelec kung kelan maisusumite ang petisyon ngunit tiniyak ni Garcia na gagawin ng Comelec ang lahat para hindi maapektuhan ng anumang aktibidad ang 2025 national and local elections.