May 18, 2024

Balik showbiz na… ENRIQUE GIL, PRODUCER AT ARTISTA SA PELIKULANG ‘I AM NOT BIG BIRD’

AMINADO raw si Enrique Gil, nanibago siya dahil matagal din na man siyang hindi gumawa ng pelikula.

“Dito sa pelikula naming ginawa, ako rin ang producer at tumatayong artista ng ‘I Am Not Big Bird,’ nanibago nga ako sa pagbabalik ko sa paggawa ng pelikula.

“Halos tatlong taon akong nawala sa showbiz, kaya nga nang bumalik ako naisipan kong gumawa ng pelikula. Gusto kong maibalik iyong pagpapatawa, gusto ko kasing mapasaya ang aking mga followers. “Ang tema kasi ng pelikula namin ay ay comedy, medyo may drama. Kumpleto naman sa rekado Kaya alam kong magugustuhan nila ito, sana tangkilikin nila ito,”  salaysay pa ni Enrique Gil.