September 20, 2024

Dahil hindi na makapagyabang… DANIEL PADILLA, TAKOT SA SARILING MULTO

TINAKASAN ni Daniel Padilla, ang mga multong ginawa niya sa kanyang sarili. Lahat nang ipinukol niyang bato sa kanyang showbiz girlfriend na si Kathryn Bernardo, ay bumalik ito nang sobra at may interest pa.

“Iwas muna daw si DJ sa mga intrigang kinasasangkutan niya kaya nagpasya itong lisanin muna ang Pinas at magtungo ng Dubai.

“Hindi akalain ni Daniel na ang sakit na dinulot niya kay Kathryn Bernado, ay bubweltang pabalik ito sa kanya. At para siyang basang sisiw na, naaapektuhan sa ginawa niyang multo na kanya mismong kinatakutan sa kanyang sarili.

“Solo siyang pumunta ng Airport, at nilapitan siya ng airport staff para palipatin sa special lane. Malungkot pero sa ginawa niyang pag alis, malamang sa kanyang pagbabalik ay fully charged na ang actor at handa na muling harapin ang sarili niyang mga multong ginawa,” chika pa ng aking source.