May 16, 2024

Financial Literacy Seminar

DUMALO sa Financial Literacy Seminar ang aabot 75 na mga senior, estudyante, small business owners, at mga empleyado na isinagawa ng pamahalaang lungsod kaugnay ng pagdiriwang ng ika-118 Navotas Day. Binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang halaga ng wastong kaalaman kung paano mag-ipon, mag-invest, at gumamit ng pera, lalo na para may sapat na maipangtustos sa mga pangangailangan pagtanda. (JUVY LUCERO)