April 29, 2024

BAGONG KAGAMITAN NG PNP, IPRINESENTA SA CAMP CRAME

IPINAKITA ng Philippine National Police (PNP) ang bagong nitong bili na mga sasakyan, armas at kagamitan.

Kabilang dito ang 108 units ng patrol jeep 4×2, 35 units ng patrol jeeps, 11 units ng Dirt Bikes, 5 units ng 650cc motorcycles, 3,243 units ng 9mm pistol, 101 at 305 units ng Autogated Night Vision, 599 at 2049 units ng Tactical Vest sa Camp Crame sa Quezon City.

Inihayag din ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., na sa 2023 Global Law and Order Report, nakamit ng Pilipinas ang pangatlong puwesto bilang pinakaligtas na bansa sa Southeast Asia na may score na 86.

Nasa ika-33 safest country na ngayon ang Pilipinas mula sa 141 na bansa, batay sa survey. (Kuha ni ART TORRES)