Nagsagawa si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, kasama si Manila International Film Festival Organizer Winston Emanon ng press conference sa Pasig City, ngayong araw, para sabihing tumabo ng P1.069 bilyon ang 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) as of January 7, 2024, nahigitan nito ang P1.061 bilyon na kita noong 2018.
Sa naturang conference, inanunsiyo din MMDA Chairman Artes na kanilang natukoy ang illegal na pag-upload sa internet ng pelikulang “Rewind” na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na kalahok sa MMFF. Aniya, kasalukuyan na silang nagsasagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente upang mahuli ang uploader ng nasabing video. (Kuha ni ART TORRES)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA