May 2, 2024

RAFAEL NADAL UMATRAS SA AUSTRALIAN OPEN

Tuluyan ng umatras sa paglahok sa Australian Open si Spanish tennis star Rafael Nadal.

Ito ay matapos an lumala ang kaniyang injury na natamo sa katatapos na Brisbane International.

Mula noong 2023 Australian Open ay hindi nakapaglaro ang 37-anyos na si Nadal dahil sa injury sa beywang.

Matapos ang pagsasailalim sa operasyon ay naglaro ito sa Brisbane International noong nakaraang linggo.

Kinailangan niya ng medical timeout sa pagtatapos ng quarterfinals ng Brisbane International kung saan nabigo siya kay Jordan Thompson ng Australia ng makaranas ito ng pananakit sa kaniyang upper left thigh.

Pagdating Melbourne ay sumailalim siya sa MRI at doon natuklasan ang bahagyang punit sa kaniyang muscle at ang magandang balita aniya ay hindi nadamay kung saan may injury na ito dati.

Sa ngayon aniya ay sasailalim ito sa iba’t-ibang medical procedure at tuluyang magpapagaling bago ang muling pagsabak sa mga torneo. RON TOLENTINO