November 20, 2024

Kung walang padrino… SHARON CUNETA, KAYANG TALUNIN SI VILMA KUNG ACTING LANG NAMAN ANG PAG-UUSAPAN

SA pelikula ni Sharon Cuneta and Alden Richards na ‘Family of Two [A Mother & Son Story]. Malaki ang laban ni Ms. Sharon Cuneta na talunin si Vilma Santos sa Best Actress category.

“That time kasi habang ginagawa niya ang nasabing pelikula na entry niya sa Metro Manila Film Festival, ay may pinagdadaanan ang actress. Kaya naman kita sa movie iyong malalim na emosyon sa kanyang pagganap, relate na relate siya sa kanyang role bilang isang ina na overprotective sa nag-iisa niyang anak.

“Sabi nga nila hindi raw makakalusot ang isang Sharon Cuneta, dahil andiyan ang isang Vilma Santos. Totoo iyan, mahirap talunin ang isang Vilma Santos. “Pero kung walang padrinong naganap, malamang na siya ang panalo sa Best Actress category. Kaya nga nila tinanggal si Alessandra de Rossi, sa Best Actress category at inilagay sa Best Supporting Actress para nga naman hindi lamunin sa aktingan ang manok nilang si Vilma Santos,” mataray na pasabog ng aking source.