May 18, 2024

Dahil dinedma ng board of jury… DONGYAN, NILAMPASO ANG PELIKULA NINA BOYET AT VILMA

SIGURO kung hindi nag-sponsor ang OWWA ni Arnel Ignacio, baka super flop ang pelikula nina Vilma Santos at Christopher de Leon. Ang gusto kasing mangyari ng grupo ni Arnel Ignacio, ay magic blockbuster ang pelikula niyang sinuporthan.

“Malinaw sa sikat ng araw na karma ang inabot ng pelikula nina Vi at Boyet, dahil hindi manlang sila nakapasok sa Best of 5 movie Box-office. Gayung sila ang naghakot ng awards, at ang pinakamasakit galit ang madlang pipol sa pagkakapanalo nila ng MMFF Awards dahil halatang sila ang pinaburan ng board of jury.

“Malaking sampal ang naging resulta ng pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, dahil sila ang number 1 sa Box-office at talagang sumigla ang movie industry dahil naging tapat sila sa mga tao at hindi dinaan sa padrino para panoorin ang kanilang ‘Rewind’ movie.

“Narito ang mga pelikula tinangkilik ng walang padrino ng Metro Manila Film Festival 2023, TOP 5 BOX-OFFICE MOVIE ENTRY FOR MMFF 2023

1. Rewind

2. Mallari

3. Gomburza

4. Firefly

5. A Family of Two

Pelikula nina Vi at Boyet, na etsapuwera.