KAHIT nag-sponsor na ng mga block screenings ang OWWA ni Arnel Ignacio, na sayang lang ang paglustay nila ng pera para sa movie ni Vilma at Boyet na sobra nilang pinanigan. Dahil hindi naging blockbuster ito sa takilya, gayung ginawa nila ang lahat. Wala rin ang movie ni gurang sa top 3, kaya nasayang lang ang kanilang pagpupursigi na maging blockbuster ang movie ni Vilma at Boyet.
“Hayan panlalait ng mga Vilmanians kay Nora Aunor sa mga movie niya na first day last day, mukhang karmatic ang idol ninyo na si tanda na gumawa ng pelikula na pang bagets ang dating. Hindi naman sinuportahan ng mga kabataan ang movie ni gurang, makikita mo halos ang mga nanood ay mga gurangista na rin.
“Walang epek iyong pagsama nina Darren Espanto at Cassey Legaspi sa movie, dahil halatang hindi pinanood ng mga bagets ang pelikula nila dahil hindi naman nila feel pawang mga gurang na mga tagahang ni Vilma ang mga nanood.
Iyong 90 theaters ay nabawasan pa ng 40 at naging 50 theaters na lang at naging 37 na lang at mababawasan pa iyan, sabi nga ng friend kong Vilmanian ay 6 na lang silang nanonood sa loob ng sinehan. Malinaw na hindi pa natatapos ang MMFF 2023, nag flop na ang movie ni Vilma Santos. Kwento pa sa inyong lingkod ng aking source.
More Stories
3 JAPANESE NA MAY ARREST WARRANT, IPINA-DEPORT NG BI
DOST-PCCI innovation hub magpapalakas sa enterprises’ growth
178 PUSLIT NA GAGAMBA NASABAT NG BOC-PORT OF CLARK