May 21, 2024

BOYET DE LEON, NATALO NA NILAGLAG AT NAGAMIT PA

ANG saklap nang sinapit ni Boyet de Leon, dahil ng Gabi Ng Parangal ay mukhang ready na siyang tumanggap ng best actor award ay nabulilyaso pa ito. Isang baguhang actor ang nakasungkit ng best actor award, at laking sampal ito kay Boyet.

“Pang display lang naman siya sa movie nila ni Vilma Santos, maging ang kanyang role ay malayo talagang mag uwi ng award. Ang pokus naman talaga ay nakay Vilma at hindi sa kanya.

“Natalo na nga at nilaglag pa ang nasabing actor, pero na natili itong tahimik at hindi na lamang siya sumagot sa mga isyung sa kanya’y ipinupukol.

“Hindi raw umasang mananalo ang actor, dahil napakababaw ng kanyang role sa movie nila ni Vilma. Ang masakit ay isang baguhan at hindi kilalang artista ang sa kanya ay tumalo. Sampal ito sa kanyang career, isang baguhan lang pala ang katapat niya. At kung ipapanalo pa siya ng board of jury, tiyak buking ang kanilang mga ka-dramahan sa Metro Manila Film Festival 2023.” Malungkot na pahayag ng aking source.