December 19, 2024

Ph Army paddlers ng PBDF, buking na walang basbas ng POC… SAGWAN SA THAILAND, NAUNSIYAMI!

HINDI nakasagwan ang Philippine Army Dragonboat team bilang  Philippine Dragon Boat (PDBF) representative sa pamumuno ni Col.Harold Cabunoc  sa IDBF- sanctioned Dragon Boat International Championship sa Thailand.

Ang koponan ay nabuking  na  walang basbas mula Philippine Olympic Committee(POC) at wala ring  endorsement mula Philippine Sports Commission(PSC).

Ayon sa source, labing-dalawang taon nang hindi miyembro at di na kinikilala ang  PDBF  ng  POC.

Katunayan ay ang  Philippine Canoe Kayak & Dragonboat Federation (PCKDF)  ang tanging National Sports Association paddling sports sa Pilipinas tulad ng canoe, kayak, dragon boat, white water rafting, stand up paddling at iba pang diciplines.   

Ang PCKDF ay ang regular member ng POC recognized  association ng Philippine Sports Commission (PSC).

“Under Republic Act 6847 section 13, Philippine Sports Commission recognizes National Sports Associations,Organized for their respective sports in the Philippines and/or affiliated with their respective International Federations(IF) which are recognized by the International Olympic Committee(IOC).”  

Kung kaya ang  POC ay kinikilala ang  PCKDF bilang regular member na may sole authority upang ma- promote at ma-develop ang  sports at binuo ito upang ma-identify at ma-train ang national athletes at coaches gayundin sa technical officials.

Hindi na rin pinayagan ni Col. Ruben P. Quinolbay (INF) PA (GSC) Commanding Officer ng GHQ ang travel order ng lalaro sanang  military paddlers na kinuhang  miyembro ng PDBF sa pamumuno  ni Col. Cabunoc at sa timon ni Marcia Cristobal, na sasagwan sana sa Thailand international dragonboat competition.