May 17, 2024

OKTUBRE IDINEKLARA BILANG COMMUNICATIONS MONTH

Idineklara ng Malacañang bilang Communications Month ang buwan ng Oktubre, kada taon.

Sa bisa ito ng Proclamation no. 308.

Nakasaad rin sa proklamasyon na ang October 11 ang magsisilbing anibersaryo ng Presidential Communications Office (PCO).

Inatasan ang PCO na manguna sa pagtukoy ng mga programa at aktibidad para sa taunang selebrasyon nito.

Pirmado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang proklamasyon, ikalawa ng Agosto, 2023.