
KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang laborer dahil sa panggugulo sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Nahaharap sa kasong Malicious Mischief, Alarms and Scandals and Resistance at Disobedience to a Person in Authority or the Agents of Such Person ang suspek na kinilala bilang si Joebth Villanueva, 38, ng Gov. Pascual, Brgy. San Jose.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Reysie N PeƱaranda, nakatanggap ng reklamo ang mga tanod ng Brgy. San Jose mula sa complainant na si Aaron Crisostomo, 22, cremator ng Navotas Cemetery hinggil sa ginagawang panggugulo ng suspek sa Gov. Pascual, Brgy. San Jose at naninira ng mga ari-arian.
Kaagad rumesponde ang mga tanod sa lugar at naabutan nila ang suspek na nanggugulo, nagsisigaw at hinahamon ng suntukan ang sinuman dakong alas-4:20 ng hapon.
Nilapitan siya ng mga tanod at inawat subalit, sa halip na makinig ay nagpatuloy pa rin ito sa panggugulo saka sinigawan at pinagsalitaan sila ng masasamang salita na naging dahilan upang arestuhin nila ito.
Gayunman, pumalag ang suspek saka kumaripas ng takbo na naging dahilan upang habulin siya ng mga tanod hanggang sa makorner at maaresto.
More Stories
Lasing na driver at may-ari ng van na sangkot sa Tagaytay tragedy, inisyuhan ng SCO ng LTO
MPBL June Showdowns: Rivalries, Records, at Playoff Pressure patindi nang patindi
6 unibersidad sa Pilipinas, pasok sa 2026 QS World University Rankings