Hindi nakaligtas si Hidilyn Diaz sa bagsik ng COVID-19 dahil dinapuan siya nito. Ito’y sa kabila na naturukan siya ng booster shot noong January 4 sa Quezon City.
Katunayan, nagpost ang Tokyo Olympics gold medalist ng kanyang status sa social media. Kasama na rito ang kanyang test result. Payo ni Hidilyn sa publiko, ibayong ingat ang gawin. Kabilang na rin ang pagsunod sa health and safety protocols.
“Kahit po ako nagpositive na po. Ingat po tayong lahat. Magpalakas at sundin lahat ng health protocols,” aniya.
More Stories
Evangelista, Melencio, Santor kumuha ng MOA title sa COPA meet
LBP Tingzon Cup… TUNGGALIAN NG MGA MABABANGIS AT MANDARAGIT!
Santor, Maleeka, Melencio humakot ng ginto sa COPA swimfest sa RMSC