
Gaya ng inaasahan, naikasa na ang trade kay Alex Cabagnot ng San Miguel Beermen. Mapupunta ang star point guard sa Terrafirma Dyip. Kapalit nito si Simon Enciso sa straight-up swap.
Inaprubahan ng PBA ang naikasang trade sa pagitan ng dalawang teams.Dahil dito, nabaklas na rin sa San Miguel si Cabagnot gaya ni Arwind Santos. Kapwa sila nakasungkit ng 9 championships sa Beermen.
Ang dalawa ay kabilang sa tinatawag na “Death Five” ng SMB.
Na ang natirang tatlo ay kinabibilangan nina June Mar Fajardo, Marcio Lassiter at Chris Ross.
