November 24, 2024

Terrence Crawford, haharapin muna si Pacquiao bago si Spence

Nais ni weltwerweight champion Terrence Crawford na makaharap  muna si Filipino boxing icon Manny Pacquiao.

Ayon sa ulat, target ni Crawford na makaupakan muna si Pacman. Pagkatapos, si unified welterweight titleholder Errol Spence Jr naman ang kasunod.

Batay sa report ng Bad Left Hook, isang boxing blog sa ilalim ng independent US sports network SB Nation, sinabi ng boxer ang kanyang plano.

Sadyang nais nito na makaharap si Pacquiao ayon sa sinabi niya kay LA based journalist at commentator na si Bernardo Osuna Jr.

 “If I can have my way, I’ll have the Pacquiao fight next, and then the Spence fight,” ani Crawford.

Ayon kay Top Rank promoter Bob Arum, posibleng maikasa ang Pacquiao-Crawford fight. Na ang target venue ay sa Qatar at idaraos sa March o April 2021.

May ulat din na tinanggap ni Pacquiao  ( 62-7-2, 39 KO) ang hamon ni Crawford (37-0, 28 KO) .