
Pinag-usapan at pinagkaguluhan ng fans ang magkasamang pagdalo ng Puregold Price Club President and Director Ferdinand Vincent Co at kilalang aktres na si Bea Alonzo sa Puregold OPM Con 2025 na ginanap sa Philippine Arena nitong Sabado ng gabi.
Ito ang kauna-unahang malaking event kung saan nakita sa publiko sina Vincent at Bea na magkasama, matapos ang ilang beses na napaulat na sabay silang dumalo sa mas maliliit na pagtitipon.
Ayon sa ilang fans na naroon at humiling na manatiling anonymous:
“They went to their designated Premiere Patron minutes before the program started, pero pinagkaguluhan, so they went to the arena suite instead to watch the concert privately.”
“Parang love team ang reaksyon ng fans sa kanila. Everyone started taking photos and were smitten!”
“They exude an aura of a happy and stable couple. Bea was very gracious and pleasant, allowing fans to request selfies.”
Sa kabila ng mga patuloy na usap-usapan, hindi pa rin nagsasalita ang dalawa ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Ngunit noong Mayo, lumakas ang tsismis nang mapansin ng netizens na magkasabay silang nagbakasyon sa Andalucía, Spain. Si Vincent, 45, ay nagbahagi umano ng mga larawan kasama ang isang babaeng hindi pinangalanan sa kanyang private Instagram account, habang si Bea, 37, ay nag-post din ng mga larawan mula sa parehong lugar — suot pa ang parehong outfit na nakita sa mga litrato ni Vincent.
Isang source na malapit sa pamilya Co ang nagsabing hindi sila maaaring magkomento tungkol sa isyu, ngunit ibinahagi nito ang pagkakakilala kay Vincent:
“Napakabait na tao. Napakaswerte ng mapapangasawa niya—gwapo, matangkad, mabait, mayaman, at matalino pa.”
Sa kabila ng spotlight na nakuha ng rumored couple, naging matagumpay ang Puregold OPM Con 2025, na dinaluhan ng libo-libong tagahanga mula sa iba’t ibang panig ng bansa at maging mula sa ibang bansa gaya ng Singapore at United Arab Emirates.
Tampok sa konsyerto ang ilan sa pinakamainit na pangalan sa Original Pilipino Music (OPM) kabilang ang SB19, BINI, si, Sunkissed Lola, G22, KAIA at sina Flow G at Skusta Clee. Special guests naman sina James Reid at Yeng Constantino.
Ang konsyerto ay bahagi ng kampanyang “Nasa Atin ang Panalo” ng Puregold, na ayon kay Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold, ay hindi na lamang kampanya kundi isa nang kilusan.
“It’s now a crusade—one that celebrates the strength, dreams, and talents of Filipinos.”
Dagdag pa niya, layunin ng Puregold na magbigay ng world-class platform sa mga lokal na talento, habang pinasasaya rin ang kanilang mga loyal na mamimili sa pamamagitan ng dekalidad na musika.
Sa pagtatapos ng gabi, ang musika, pagmamahalan—at mga tsismis—ay nagtagpo sa iisang entablado, muling pinatunayan na tunay ngang “Nasa Atin ang Panalo.”