Isiniwalat sa korte ang serye ng mga malalalang karamdaman na kasalukuyang pinagdaraanan ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.
Sa naganap na arraignment ni Senator Jinggoy Estrada para sa kasong graft, binasa ni Sandiganbayan Presiding Justice Geraldine Econg ang isang liham na nagdedetalye sa estado ng kalusugan ng dating kalihim.
BASAHIN: JINGGOY SUMUKO SA CIDG
Ayon sa naturang dokumento, si Bonoan ay dumaranas ng type 2 diabetes, spine pain (sakit sa gulugod), chronic kidney disease (sakit sa bato), carcinoma at prostate cancer; at acute coronary syndrome (kondisyon sa puso)
Bukod sa mga nakasaad sa liham, pormal ding ipinaalam ng legal counsel ni Bonoan sa hukuman na ang dating kalihim ay kasalukuyang sumasailalim sa isang angiogram procedure sa ospital. (KARLOS GARCIA)
