Makikipag-ugnayan ang Department of Finance (DOF) sa ilang concerned government agency upang talakayin ang mga paraan para i-promote ang transparency sa Official Development Assistance (ODA) pocesses.
Ayon sa DOF, layon nitong i-monitor ang impact ng mga proyekto at beneficiaries.
Ang ODAs ay loans at grants sa gobyerno mula sa ibang mga bansang may diplomatic at trade relations o bilateral agreement ang Pilipinas.
Binigyang diin ni DOF Undersecretary Joven Balbosa ang kahalagahan ng transparency at episyenteng pagmo-monitor ng ODAs.
Aniya ito ay upang maappreciate ng publiko ang mga proyektong ginagawa ng gobyerno.
Tinalakay din ng DOF sa mga ahensya kung paano ma-streamline, codify at automate ang mga procedures at implementation for negotiation ng ODAs.
Ang DOF International Finance Group (IFG) ang siyang naatasan na magsagawa ng negosasyon sa mga ODAs ng Pilipinas.
More Stories
GSIS pinalawig ang emergency loan para sa mga miyembro at pensioners na apektado ng bagyo
Dagdag milyones para kay ‘golden boy’ ng DigiPlus at ArenaPlus… YULO MULTI- MILYONARYO!
SUAREZ NG PILIPINAS SASABAK VS CORTES NG US