May 18, 2024

Top 20 Business at Realty Taxpayers sa Navotas, binigyan ng pagkilala

BILANG pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa patuloy na pagpapaunlad sa Navotas, binigyan ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 20 Business at Realty Taxpayers sa lungsod. Pinasalamatan sila nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco sa tapat at maagap nilang pagbabayad ng buwis at patuloy na pagsuporta sa layunin ng pamahalaang lungsod na itaas pa ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilyang Navoteño. (JUVY LUCERO)