May 19, 2024

PISTANG BAYAN NG NAVOTAS

IDINEKLARA ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas kung saan kinilala si San Jose bilang city patron at protector. Nakiisa naman si Congressman Toby Tiangco, kasama ang kanyang asawa na si Michelle kay Bishop David sa paglalahad ng mga plano para sa San Jose Perpetual Adoration Chapel at sa estatwa ni San Jose Glorioso sa patio ng simbahan. (JUVY LUCERO)