September 9, 2024

PH WORST COUNTRY PARA SA MGA MANGGAGAWA

Kabilang na naman ang Pilipinas sa world’s 10 worst countries for workers, batay sa 2024 Global Rights Index of the International Trade Union Confederation (ITUC).

Base sa survey, isa ang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na ang mga manggagawa ay nalalantad sa “unfair labor practices” at walang access sa kanilang mga karapatan.

Napabilang ang bansa sa pag-aaral ng ITUC sa 10 worst countries for workers buhat noong 2017.

Sa 2024 Global Rights Index, nakakuha ang bansa ng rating na lima dahil ang mga manggagawa ay wala umanong garantiya na naibibigay sa kanila ang kanilang mga karapatan.

Nabigyan ang bansa ng kaparehong rating noong 2023.

Natukoy din sa survey na nahaharap sa maraming hamon ang mga unions at unionists sa ating bansa at ipinunto ang mga balakid sa pagbuo ng union at ang pagkamatay ng trade unionists.

Kasama ng Pilipinas sa nasabing kategorya ang Bangladesh, Belarus,Ecuador, Egypt, Eswatini, Guatemala, Myanmar, at Tunisia.

Sa ibang banda, ang mga bansa na pinakamaganda para sa mga manggagawa ay ang Austria, Denmark, Germany, Iceland, Ireland, Italy,Norway, at Sweden.