BINATIKOS ni Makati City 2nd District Rep. Luis Campos Jr., ang mga telecommunications companies (telcos) sa bansa dahil sa kakulangan nito ng aksyon upang mapaganda ang internet connection sa bansa.
Ayon sa kongresista, nalaglag sa pang-83 ang Pilipinas sa global mobile internet speed rankings batay sa May 2024 Global Speedtest Index ng Ookla.
Binanggit din nito na ang average mobile internet speed sa Pilipinas ay bumagal sa 32.12 megabits per seconds (Mbps) mula sa 32.37 Mbps noong Abril kung saan ang Pilipinas ay rank 79.
“Telecommunication companies are simply not doing enough to improve their networks. This is why we want Congress to pass a new law so that the government can set compulsory deadlines for telcos to deliver faster mobile internet speeds under pain of punitive regulatory fines,” ani Campos.
“We want accelerating mobile Internet speeds to improve public access to online resources, government services, education, and new opportunities,” dagdag pa ng butihing asawa ni Makati Mayor Abby Binay.
Sa May 2024 rankings, ang Pilipinas ay pang anim sa 10 miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang limang ASEAN member na mas mabilis ang internet kumpara sa Pilipinas ay ang Brunei (107.40 Mbps, pang-15 sa buong mundo); Singapore (99.29 Mbps, pang-21 sa buong mundo); Malaysia (95.66 Mbps, pang-25 sa buong mundo); Vietnam (52.15 Mbps, pang- 57 sa buong mundo); at Thailand (48.76 Mbps, pang-62 sa buong mundo).
Si Campos ang may-akda ng House Bill 10215 na naglalayong gawing basic telecommunication service ang high-speed internet connection. Sa kasalukuyan ang internet ay isa lamang value-added service ng mga telecommunication company.
Sa ilalim ng panukala ay magtatakda ang National Telecommunications Commission (NTC) ng minimum mobile internet speed targets at ang hindi makakasunod ay pagmumultahin ng P1 milyon kada araw.
More Stories
PH KABILANG SA MAY MATAAS NA NEGLECTED TROPICAL DISEASES
5 CONSTRUCTION WORKERS NAKURYENTE 3 PATAY
Higit P.4M shabu, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela