May 6, 2024

PBA D-League Aspirants’ Cup… ARCHER  ALAO BUMIDA SA GAME 2 SEMIS, HANDA KAHIT SINO MAKAHARAP SA FINALS

HANDA si Mur Prince Alao at ang buong EcoOil La Salle team alinman sa dalawa pang semifinalists ang makakatunggali sa kampeonato ng PBA D- League Aspirant’s Cup.

Ang Green Archers ang unang pumitas ng tiket sa finals matapos nilang walisin sa serye ang University of Perpetual Help System Dalta sa best- of three,2-0.

Aantayin ng Taft-based cagers kung sino ang magwawagi sa protagonistang Wang’s -Letran at Marinerong Pilipino na tabla sa kanilang match-up ,1-1.

Kumamada ang   Gilas boys, NBA junior,national juniors team  standout na si Alao ng 22 puntos ,12 ang tinikada sa first half upang agad dumistansiya ang LaSalle, 28-13 sa opening period.

Lumobo pa ang kalamangan ng Green Archers sa 28 puntos tungo sa 108-91 tambakan at pag-usad sa finals.

Katuwang ni Alao sina  JC Macalalang (11 pts), Kevin Quiambao, EJ Gollena, Bright Nwangkwo na bumirada ng tig-10 puntos,8 kay CJ Austria at 7 kay Ben Philipps.

Nanindigan naman sina Altas’Cyrus Nitura, John Abos , Christian Ragaran at Carlos Ferreras para sa kanilang losing cause.

“Thank you po Lord  sa inyong biyaya at patnubay. Of course sa suporta ng management at buong Dela Salle community,”  wika ng batang Alao.

Siya ang proud son ni dating commercial basketball star,shooter Ray Alao- VP ng namamayapag na Pilipinas Super League( PSL).