A drug user inhales "Shabu", or methamphetamine, at a drug den in Manila, Philippines February 13, 2017. Picture taken February 13, 2017. To match Insight PHILIPPINES-DRUGS/ REUTERS/Erik De Castro - RTS108NE
SA loob ng selda ang bagsak ng isang jeepney driver at kanyang conductor nang maaktuhan na gumagamit umano ng shabu sa Valenzuela City, Miyerkules ng gabi.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang mga suspek na sina alyas “Geric”, 33, ng Brgy., Palasan at alyas “Kris”, 44, ng Brgy., Arkong Bato.
Nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 5 sa Agliham St., Brgy., Palasan nang maaktuhan nila ang mga suspek na abala umano sa pagsinghot ng shabu sa loob ng isang bahay dakong alas-11:00 ng gabi na dahilan ng kanilang pagkakaaresto.
Nasamsam sa kanila nina PSSg Ricardo Santos Jr at PSSg Melvic Pingad ang isang nakabukas na plastic sachet na may laman bahid ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalias.
Kasong paglabag sa Sections 12 at 15 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa ng pulisya laban sa mga suspek Valenzuela City Prosecutor’s Office. (JUVY LUCERO)
