Person in handcuffs
MAKALIPAS na ang halos tatlong taon pagtatago ng isang construction worker na wanted sa kaso ng pagpatay matapos matimbog ng pulisya sa pinaigting na manhunt operation sa Malabon City.
Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, matagal ng tinutugis ng pulisya ang 41-anyos na akusado na nakatala bilang No. 2 Top Most Wanted Person (TMWP) sa NCRPO.
Nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng NPD District Special Operations Unit (DSOU) hinggil sa kinaroroonan ng akusado, kaagad nilang ikinasa ang operation katuwang ang PNP-DI at Warrant and Subpoena Section ng Malabon CPS na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya sa Barangay Maysilo.
Inaresto ng pulisya ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Murder na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 4, Malabon City, noong December 20, 2024 na walang inirekomendang piyansa.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa NPD Custodial Facility Unit habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa Malabon City Jail. (JUVY LUCERO)
