A drug user inhales "Shabu", or methamphetamine, at a drug den in Manila, Philippines February 13, 2017. Picture taken February 13, 2017. To match Insight PHILIPPINES-DRUGS/ REUTERS/Erik De Castro - RTS108NE
BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities nang mahuli sa akto na bumabatak umano ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, sinabi ni Police Investigator P/MSgt. Carlito Nerit Jr. na alas-10:40 ng gabi nang maaktuhan ng mga operatiba ng Police Sub-Station 1 si alyas “Sendo”, na sumisinghot umano ng shabu sa isang abandonadong bahay sa Parada Road corner F. Santiago St., Brgy., Parada.
Nakumpiska sa kanya nina PCpl Montana at Pat Bulahao ang isang nakabukas na plastic sachet na may laman ng bahid ng umano’y shabu at ilang drug paraphernalias.
Nauna rito, dakong alas-7:00 ng gabi nang maaktuhan naman nina PCpl Bacuran at Pat Regalado, kapwa ng Police Sub-Station 3 ang 43-anyos na water delivery boy na si alyas “Glen” na bumabatak umano ng bato sa isang abandonadong bahay sa dulo ng T. Concepcion St., Brgy., Marulas.
Nasamsam sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng bahid ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalias. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 12 at 15 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (JUVY LUCERO)
