July 19, 2024

Pamamahagi ng livelihood assistance grant sa Navotas

BINISITA ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng P15,000 livelihood assistance grant sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development at Department of Trade and Industry kung saan nasa 161 NavoteƱo micro rice retailers ang nakatanggap nito. Ang mga benepisyaryo ng programa ay mga naapektuhan ng Executive Order 39 na nagtatakda ng ceiling sa presyo ng bigas. (JUVY LUCERO)