Timbog sa mga elemento ng Parañaque City Police Station ang isang 31-anyos na lalaki matapos sumalakay at magnakaw sa loob ng isang bahay sa Kapitan Tinoy Street, Barangay La Huerta, habang nagkakagulo sa gitna ng sumiklab na sunog noong Agosto 19, 2026.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, abala ang biktima at ang kaniyang pamilya sa paglikas ng kanilang mga gamit nang pasukin ng dalawang lalaki ang kanilang bahay.
Nakita pa ng isang saksi ang pagkuha ng mga suspek sa tinatayang P100,000 na ipon mula sa alkansya at P36,000 na benta ng pamilya bago mabilis na tumakas.
Mabilis na nagkasa ng paghahanap ang mga awtoridad kaya agad na nadakip ang isa sa mga suspek, habang patuloy namang pinaghahanap ang kaniyang kasabwat.
Kinaadman ni NCRPO Regional Director PMGEN Anthony A. Aberin ang pananamantala sa gitna ng kalamidad at tiniyak na pormal nang sasampahan ng kasong Qualified Theft ang nadakip na suspek.
