Ipinanawagan ng kilalang negosyanteng si Dennis Anthony Uy sa pamahalaan na tanggalin ang 12 porsyentong value-added tax (VAT) sa singil sa kuryente at serbisyo ng internet upang makatulong sa pagpapababa ng gastusin ng mga pamilyang Pilipino.
Ayon kay Uy, nararapat lamang na maramdaman ng publiko ang direktang pakinabang mula sa mga buwis na kanilang ibinabayad.
Binigyang-diin niya na ang pag-alis ng VAT sa mga pangunahing utilidad tulad ng kuryente at internet ay isang mabisang paraan upang maibsan ang pasanin sa buwanang gastusin ng mga kabahayan, lalo na sa gitna ng mga patuloy na diskurso at usapin hinggil sa paggamit ng pampublikong pondo para sa mga proyektong pang-imprastraktura sa bansa.
