May 15, 2024

PACQUIAO, MAYWEATHER, MULING MAGTUTUOS SA ENERO 2022

Muling magtutuos si Sen. Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr sa January 2022. Pero, hindi sila maglalaban sa boxing ring. Kundi, sa isang basketball exhibition match.

Ang nasabing laro ay isa ring charity basketball. Kung saan, ang kanilang mga kakampi ay mga former NBA players. Sampung manlalaro ang bubuo sa Team Pacquiao at Team Floyd.

Kagandahan pa rito, idaraos ang naturang event dito sa Pilipinas. Ayon pa sa ulat, target ni Pacquiao si dating 76ers star guard Allen Iverson na isama sa kanyang line-up. Si Iverson ay hinirang noon na 2001 NBA Most Valuable Player.

Nagpahayag din si Mayweather na suportado niya ang pagtakbo ng Fighting Senator sa presidential bid nito sa 2022.