May 8, 2024

MARCIAL, MAGPAPATAYO NG BOXING GYM SA TAGAYTAY

Masaya si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial sa nakamit na new house and lot. Nakuha niya ito kasama ang kapwa Tokyo medalist. Kung saan, matatagpuan ito sa San Jose, Tagaytay City.

Mula rito, nakaisip ng isang magandang ideya si Marcial. Aniya, patatayuan niya ng boxing gym ang isa pang nabiling lote. Ang ibinigay na insentibong bahay ay mula kay POC president Bambol Tolentino at Sen. Francis Tolentino.

Maganda po ang klima dito saka hindi ka mahihirapan kapag mag-training kasi malamig at taas baba ang lugar,”aniya.

Gusto ko kasi na tago ang training ko kasi napaghahandaan tayo ng kalaban dahil nakikita nila ang ensayo ko. So ang sa akin, kaya ko pinalagyan ng gym sa tabi ay para paggising ko andiyan na lang lahat sa tabi ko,” dagdag ni Marcial.