May 17, 2024

KIM DOMINGO, GAGANAP BILANG SI ‘CAPTAIN MANILA’, PANTAPAT SA DARNA?

Lilipad din pala si Kim Domingo bilang Pinay superheroine na pantapat yata ng Kapuso sa ‘Darna’. Pinagbibidahan ni Jane De Leon ang ‘Darna’. Samantalang babandera naman si Kim bilang ‘Captain Manila’. O’ ha, parang ‘Captain Marvel’ ang dating. Siya raw ang napili bilang gaganap sa nasabing superheroine.

Ang sitsit pa, mas mauuna pa yatang magpapasiklap ang Kapuso actress-comedian kaysa kay Jane. Bet pa ng ilang netizen, mas malakas ang dating ng Kapuso bombshell kaysa kay Jane. Well, huwag na nating pagsabungin kung sino ang mas magaling. Kung sino ang maganda at malakas ang dating.

Ang mahalaga, kulturang Pilipino ang isa sa mailalatag dito, Pinoy super heroes. Nakagugulat ito dahil matagal natengga si Kim sa TV. Nabagabag pa nga siya dahil nadapuan siya ng virus. Tapos ito, babalik siya at matikas ang arrive. Blessing ito kay Kim.