Mapa ng Sarangani sa Mindanao
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
KAUGNAY sa naganap na 7.8 magnitude na lindol sa Sarangani Bay ngayong 08 Hunyo 2026 Lunes ng umaga ay muling binibigyang diin ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP, itinatag 1933) ang sumusunod na paalala sa lahat ng mga tagapangalaga ng pamana sa mga apektadong lugar:
1. Mangyaring huwag magtangkang pumasok sa mga nasirang estruktura nang walang paunang koordinasyon at pahintulot sa mga lokal na awtoridad. Maaari lamang kapag natiyak ang lugar ay ligtas. Ang kaligtasan ng lahat ang pinakamahalagang isinasaalang-alang.
2. Tiyakin ang kaligtasan ng lugar at protektahan ang mga pasukan at labasan upang mapigilan ang hindi kinakailangang tao at mga mapagmasid na pumasok. Maaaring gumamit ng mga hadlang at mga laso ng babala para dito.
BASAHIN: FDCP, Nakilahok sa Forum Discussions ng MIAVF
3. Suriin ang katatagan ng estruktura bago magsagawa ng anumang retrieval/salvage na gawain. Magsuot ng proteksiyon na damit kagaya ng hard hats, angkop na guwantes, maliwanag na kulay na damit, bago pumasok sa mga nasirang gusali.
4. Idokumento/kunan ng mga litrato o video ang mga nasirang bagay. Mag-ingat sa mga debris na maaaring mahulog. Mag-ingat sa mga litratong iuupload o ipopost sa social media sapagkat maaaring magamit bilang sanggunian ng mga nagtatago, magnanakaw, at mga taong may balak na masama.
5. Kunin at balutin ang mga bagay gamit ang Japanese tissue, malinis na tela, o matibay na mga kahon. Dalhin ang pinakamaraming sirang bahagi na maaari. Lagyan ng label at igrupo ang mga sirang bahagi upang madaling makilala sa susunod. Agad na kunin ang mga nasirang bagay dahil madaling masira pa. Gayundin sa mga nasirang bagay lalo’t walang bantay kagaya ng gusali ay posibleng pagnakawan at lagyan ng vandal.
6. Iminumungkahi na kunin din ang iba pang mga hindi nasirang bagay na maaaring mailagay sa mas ligtas na lugar.
7. Dalhin ang mga nakuhang bagay sa isang ligtas na lugar. Kumuha ng detalyadong mga larawan o video ng pinsalang natamo at lagyan ng label ang mga nasirang bahagi. Gumawa ng mabilis na imbentaryo na naglalaman ng pangalan ng bagay, sukat, mga materyales ng bahagi, kasalukuyang kondisyon, at mga pinsalang nakita.
8. Kumonsulta sa mga propesyonal at bihasang artisan para sa pagpapanumbalik ng mga nasirang bagay.
Ang NHCP ay nakatuon sa mga pagsisikap na pangalagaan ang ating kultural na pamana at handang magbigay ng teknikal na gabay kung kinakailangan. Nakikiisa at nakikiramay ang komisyon sa lahat ng mga apektadong mamamayan sa pangyayari.
Maaaring mag-ulat at makipag-ugnayan sa NHCP sa mga social media account at sa sumusunod na email: records@nhcp.gov.ph / info@nhcp.gov.ph
