Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang silangan ng Cabangan, Zambales dakong 5:32 p.m. nitong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Batay sa bulletin ng ahensya, ang lindol ay tectonic ang pinagmulan at may lalim na 100 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III sa Cabangan at Iba, Zambales, habang Intensity II naman sa Calumpit (Bulacan), San Fernando (La Union), Guimba (Nueva Ecija), Bani at Dagupan City (Pangasinan), Santa Ignacia, Tarlac City, Ramos (Tarlac), Subic, at San Marcelino (Zambales).
Bagama’t inaasahan ang ilang aftershocks, tiniyak ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala mula sa naturang pagyanig. (LIMUEL TOLENTINO)
