PANSAMANTALANG magsususpinde ng operasyon ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 3 (LRT-1) sa tatlong huling weekend ng Agosto.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC), na siyang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1, layunin nitong pabilisin ang paghahanda sa target na pagbubukas ng Cavite Extension Phase 1 sa ikaapat na bahagi ng 2024.
Sa inilabas na abiso ng LRMC kahapon, nabatid na suspendido ang serbisyo ng LRT-1 sa Agosto 17 hanggng 18; Agosto 24 hanggang 25 at Agosto 31 hanggang Setyembre 1.
“During these periods, no commercial train service will be available from Fernando Poe Jr. Station to Baclaran Station,” dagdag pa ng LRMC.
Tiniyak naman ng LRMC na ang temporary closures ng rail line ay magreresulta sa long-term convenience ng mga commuters, sa sandaling maging na ang pinalawak na LRT-1.
Pinayuhan din ng LRMC ang mga commuters na planuhin ang kanilang biyahe at gumamit na lamang ng ibang alternatibong transportasyon.
More Stories
2025 BUDGET TARGET MAIPASA NG KAMARA SA SEPT. 25
DOPPELGANGER NI ALICE GUO, HUMARAP SA NBI
BAGYONG FERDIE PUMASOK SA PAR