May 4, 2024

Lalaki tinaniman ng bala sa ulo

DEDBOL ang 40-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek sa Malabon City, Linggo ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Ruel”, residente ng C, Perez St. Brgy. Tonsuya sanhi ng isang tama ng bala sa ulo habang mabilis namang tumakas ang mga suspek patungong Sanciangco St. sa naturan ding barangay matapos ang insidente.

Sa ulat nina P/MSg Ernie Baroy at P/MSg Diego Ngippol kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Pilapil St. Palmario 2, Brgy. Tonsuya.

Sa inisyal imbestigasyon ng pulisya, lumabas ng bahay ang biktima at nagtungo sa nasabing lugar nang dumating ang dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng-jacket at naka-face mask.

Isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinagbabaril ang biktima na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan habang nakuha naman ng pulisya sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal. 45 baril.

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkilalan at pagkakadakip sa mga salarin habang inaalam pa ang motibo sa insidente.