May 2, 2024

KC CONCEPCION AT MIKE WUETHRICH BREAK NA

SAYANG na relasyon, nauwi lang din sa hiwalayan. Mukhang hindi pa natatangpuan ni KC Concepcion, ang lalaking maghahatid sa kanya sa dambana.

“Mas mainam na habang maaga ay naputol na agad ang kanilang relasyon, pangit naman kung kailan sila ikinasal ay tsaka pa sila maghihiwalay.

“Kung sa bagay, mukhang mauuwi lang din sa sinapit ng kanyang magulang na ikinasal pero nauwi rin sa hiwalayanbang kanyang tatahaking landas. Kaya nag-iingat na siya ngayon sa pag-pili ng lalaking mamahalin, at hindi na siya nagmamadali.

“Sa ngayon chill lang si KC, hindi naman daw siya atat na kumuha agad ng lalaking kakasamahin. At pinipili na rin naman niya ngayon ang lalaking kanyang mamahalin, at pokus na lang muna siya ngayon sa kanyang negosyo,” salaysay pa ni Miss. Bubuwit na aking source.