February 24, 2024

LA TENORIO MAGLALARO MULI SA PBA

Maaring makapaglaro na sa araw ng Linggo si PBA star LA Tenorio matapos na ito ay maideklarang cancer-free na.

Sinabi ni GinKings coach Tim Cone na target nilang makapaglaro si Tenorio sa darating na Disyembre 3.

Huling nakapaglaro kasi ang 39-anyos na si Tenorio ay noong Pebrero at sa loob ng 14 minuto na paglalaro ay nakapagtala ito ng walong puntos at dalawang rebounds.

Magugunitang noong Marso ng madiagnosed ang dating Gilas Pilipinas player ng cancer at sumailalim ito ng ilang serye ng gamutan sa ibang bansa.

Nitong Setyembre ng ianunsiyo nito na idineklara na siya ng kaniyang mga doktor na cancer free na siya. RON TOLENTINO