May 2, 2024

Football ilalapit sa kabataan ng bagong PFF president

Matapos ang landslide na panalo sa Philippine Football Federation (PFF) elections noong nakaraang Sabado, inilatag ni John Gutierrez ang kanyang mga plano sa football scene sa bansa.

Si John Gutierrez ang secretary general ng Bukidnon Football Association ay nahalal bilang bagong PFF president.

Tinalo nito sa botohan sina Henry Sabate ng Davao at Laguna football club team owner na si Filber Alquiros.

Sinabi ni Gutierrez na magiging prioridad nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na magkaroon ng interest sa paglalaro ng football.

Papalitan nito sa puwesto si outgoing PFF president Mariano “Nonong” Araneta na nasa posisyon mula 2010 hanggang 2023. RON TOLENTINO