Pabalik na ng Pilipinas si Kris Aquino.
Sa kanyang bagong update si Kris Aquino, inilagay ni Kris ang LAX (Los Angeles International Airport) sa caption habang nakalarawan ang flag ng Amerika, isang eroplano at ang flag ng Pilipinas na nagpapakitang pabalik na siya ng Pilipinas.
Nagbigay rin si Kris ng bagong update sa kanyang kalusugan at sinabing sa ngayon ay apat ang kumpirmadong autoimmune conditions niya at inaantay pa ang resulta ng dalawa pang karagdagan.
“I choose to be 100% honest. I arrived in the with 3 diagnosed autoimmune conditions, a 4th was confirmed in late June of 2022 (1. Autoimmune Thyroiditis 2. Chronic Spontaneous Urticaria 3. Churg Strauss/EGPA- a rare, complicated form of vasculitis 4. Systemic Sclerosis and this 2024 i was diagnosed with 5. SLE/Lupus and 6. Rheumatoid Arthritis.) We are still waiting for the results of 2 more autoimmune conditions,” bahagi ng post ni Kris.
Aniya, nagdesisyon siyang umuwi na sa bansa dahil kailangan niya ng suporta ng kanyang mga kapatid, pinsan, at malalapit na kaibigan.
“The reason i decided to go home is because i need to start my second immunosuppressant infusions in 2-3 weeks (it’s a gentler term for chemotherapy). Emotionally i need the encouragement and unwavering faith my sisters & cousins, closest friends, and trusted team of doctors can provide… sadly what was the BATTLE TO IMPROVE MY HEALTH is now THE STRUGGLE TO PROTECT MY VITAL ORGANS. This is now the FIGHT OF MY LIFE,” ani Kris.
Maraming pinasalamatan si Kris pero higit sa lahat ang kanyang “biggest blessing” na si Bimby. Nagpasalamat din ito sa lahat ng nagdarasal para sa kanya.
“Bawal Sumuko. Tuloy po ang #Laban,” ayon pa kay Kris.
More Stories
JIMMY BONDOC TATAKBONG SENADOR
SEN. LAPID PASOK SA ‘MAGIC 12’
KIT NIETO NAGHAIN NG COC SA PAGKA-ALKALDE NG CAINTA