September 9, 2024

Kongreso kinalampag ni PBBM nitong Labor Day… MGA BATAS NA LILIKHA NG MARAMING TRABAHO, KAILANGAN

Kinalampag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Kongreso na ipasa ang mga panukalang batas na susuporta sa paglikha ng mga dekalidad na trabaho sa bansa.

Kabilang na rito ang Enterprise-based Education and Training Program law, Revised Apprenticeship Program Act, at ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy o CREATE MORE Law.

Ayon sa pangulo, layunin ng mga batas na ito na magbukas ng mga oportunidad para sa mas masiglang ekonomiya.

Ang mga manggagawa aniya ang puso at kaluluwa ng lakas-paggawa na nagsusulong ng tagumpay ng bansa, kaya nararapat lang na mabigyan sila ng dangal, respeto at paghanga.